Martes, Marso 13, 2012

Nabanggit ko na before na mahilig ako sa kape..... sa isang batang tulad ko na lumaki sa hirap, normal na sa umaga namin ang scenario na kape lang ang almusal... every morning yan teh... maswerte na kung may pandesal at mantekilya ang agahan naming pamilya.... pero mostly kape lang talaga.... minsan nga sa sobrang hirap ng buhay namin , yung kinanaw na kape eh ginagawa na rin naming ulam.... ahahahahaha... no kidd.... naexpereince mo na ba yung lumalangoy na kanin sa kinanaw na kape? 


So ayun nga, nakalakihan ko na ang kape sa buhay ko hanggang ngayon.... para kasing di kumpleto ang araw ko pag wala akong nahihigop na kape... It's like my perfect drug 'ika nga....


 



Ang bagong discovery ng aking Mujar about kape eh talaga namang amaziiiiiing !!!( insert survivor Betong here)....
 

Aliw na aliw sya sa bago nyang brand ng kape... nga naman, kung madami pang benefits ang kape bukod sa pagiging master anti-oxidant eh talaga nga namang matutuwa ka....



Eto ang ipinagmamalaki ni Mujar.....








































INTRODUCING...................











































 
Wag magpanic mga ate.. Hindi ko naman kayo aalukin na bumili ng Gano coffee.... At di ko rin naman alam kung saan binibili ni Mujar ang mahiwagang kape na itwoh.... Basta automatic na po na dapat may 2 boxes si Mujar every payday.... Eto ang kwento..... Maliwanag na ang Gano eh instant coffee... "3-in-1" instant coffee.......
Masaya akong nagkakape isang umaga....check ng messages sa phone, basa basa ng book, kinig kinig ng music ganyan ng umeksena si Mujar... excited magkanaw ng kanyang Gano coffee.... ako naman deadma lang sa earth ang peg.... pero di ko talaga maiwasang panoorin si Mujar sa ginagawa nyang pagtitimpla ng kape.....





Getlak ng tasa (check)
Abot ng thermos (check)
Buhos ng hot water (check)
Getlak ng Gano "3-in-1" instant coffee (check)






After nya kumuha ng isang sachet galing sa box nagtaka ako kung bakit nagbudbod lang ng konti si Mujar ng kanyang Gano coffee as in konting konti lang talaga... yung parang nagbudbod lang sya ng maggi magic sarap ganyan....Tapos hinalo nya ng very queenly, gamit syempre ang spoon.... Nifold ang sachet ng Gano coffee at ibinalik sa box.... To my surprise nakita ko ang tinimplang kape ni Mujar na ganito ang eksena.... As in sobraaaaaaaaaaaaaaaang putla talaga....



 























Ang weird lang kasi kahit ganun kaputla ang kinanaw na kape ni Mujar eh kitang kita mo sa mukha nya ang kasiyahan...

yung sobrang enjoy talaga...
yung tipong after 3 months ng di ka umaalak ng Red horse eh biglang babaha ng case case na beer sa harapan mo... Ganung level ng happiness ang nakaregister sa fezlak ni Mujar....


Di ko natiis si Mujar... Lapit ako sa upuan nya... silip talaga sa tasa.... Check... Uber putla talaga....









ME: Nay mukhang masarap yang kape mo ah?
Mujar: OO naman.... dami kasing benefits eh... saka maganda talaga sya sa katawan..... sobrang nakakatipid pa ako talaga...

ME: Aaaahhhhhh.....
 Mujar: Imaginin mo Pong (tawag sa akin sa bahay.. PONG...mukha daw kasi akong anak ng hapon nung bata ako).... di ba 3-in-1 coffee sya???? kaya yung isang sachet pwedeng timplahin ng tatlong beses.... ang tipid di ba???


ME: *****kamot ulo*****












(nga naman, may point nga naman si Mujar sa kanyang 3-in-1 na kape)




















































NAPAISIP TULOY AKO.... PAANO NA LANG KUNG MAY LUMABAS NA 8-IN-1 NA INSTANT COFFEE????